Tagalog News from Camarines Norte

Tagalog News from Camarines Norte

Posted by Mike Bayquen, With 0 Comments, Category: News & Updates,

Hunyo 29, 2017, Daet, Camarines Norte – Sampung tricycle drivers mula sa bayan ng Daet ang binigyang parangal bilang Outstanding Tricycle Drivers of Daet 2017. Samantala, mula sa sampu, isa ang ating kapatid na si Ginoong Daniel Efa sa  hinirang mula sa Food for The Soul -GCI, Daet . Ang nasambit na parangal ay iginawad upang bigyang pagkilala ang mga natatanging tsuper sa bayan ng Daet.

Mababatid na bahagi na ng araw araw na pamumuhay ng mga pasahero ang mga tricycle at nasa kamay ng mga driver nito nakasalalay ang kaligtasan ng mga pasahero.

Napili ang mga pinarangalan mula sa nominasyon ng mga taong naniniwala sa kanilang kabutihan hindi lamang bilang isang tricycle driver kundi bilang isang mamamayan at haligi ng kanilang tahanan. Sumailalim din sa background check at masusing screening ang mga nominado upang mapili ang mga tunay na karapat dapat para sa parangal.

Iginawad ang parangal kasabay ng ginanap ng Barangay Night sa kapistahan ng bayan ng Daet at culmination ng Pinyasan Festival nitong nakatalikod na Hunyo 24, 2017. Mula ang nasambit na parangal sa Lokal na Pamahalaan ng Daet sa pamumuno ni Mayor Benito Ochoa at Tricycle Regulatory Unit na pinamumunuan ni Konsehal Rosa Mia King, katuwang ang Camarines Norte News at sa pakikipagtulungan ng JCI Daet Kabihug at Rare Incorporated.

Si Kuya Daniel Efa ay son in law ng long time member ng GCI na si Belen Beruega, 87 years old at ang kanyang buong pamilya ay dumadalo sa  Food for the Soul-GCI,  Daet Church. Mula sa aming Pastor Rey Salayon at mga miyembro, buong puso naming ipinagmamalaki si Kuya Daniel Efa at lubos kaming naniniwala na karapatdadat siya sa parangal.

Sa Diyos lahat ang papuri sa kamangha mangha Niya ginawa. --Belinda Salayon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *